Dream Girl Ko Part 16 Final | PinaySex.Co


Tiningnan siya ng tatay sa sout na toga. Nakangiti ito. Tinawag siya at niyakap ng mahigpit.

“Masaya ang Mamang mo, alam ko. Nakikita ka niya ngayon nakangiti yun anak. Magiging magaling kang Engineer, Ariel.”

Niyakap lang ng binata ang ama.

***

Naguumpisa na ang processional rites, nababagot na si Ariel dahil hindi na niya pa maaninag si Sara. Dalawang buwan na ang nakakaraan ngayon, bumalik siya bilang PE teacher ng campus. Malugod naman siyang tinaggap agad dahil tila walang nagbago sa set up ng kanyang iniwan. Parang nag bakasyon lang si Sara. Naroon pa rin ang mga gamit niya sa PE Room office, walang halos na nagalaw maliban sa mas malinis ito ngayon. Inaasahan ni Ariel na narito na ito ngayon ayon sa kanilang usapan, lalo pa at narito ang kanyang mga kamag-anak mula sa La Union.

Hanggang sa maka upo ang binata sa kanyang pwesto at mag umpisa na ng tuluyan ang programs, palinga linga si Ariel sa paligid. Nababahala tuloy ang kanyang mga kamag anak na nasa may likuran, kasama ang iba pang mga magulang at kamag anak ng mga graduate dahil sa hindi siya mapakali sa kinau-upuan.

Pinoy and Pinay Porn Sex Scandal IyotSex.Com

Si Sara ay nasa may Grandstand at abala sa pagsasaayos ng sequence ng ginaganap na graduation rites. Nakita niya na kanina si Ariel ngunit hndi niya malapitan dahil inaasikaso ang kanilang panauhing pandangal sa back stage. Nakita niya na rin ang Papang at tiyahin ni Ariel at mamaya, balak niyang lapitan sila.

Nag-umpisa ng magtawag ng pangalan ng Graduates, ayon sa sa pagkakasunod ng mga Departments. Ikatlo ang College of Engineerig.

Saka niya lang nakita si Sara.

Naka-upo na ito katabi ng ilang faculty and staff sa kaliwang bahagi ng stage. Naka-formal dress ito na kulay beige. Nung tumayo si Sara at parang me hinanap sa kanyang likuran, mas lalo pang naaninag ng binata ang dalaga. Hinugot niya ang cellphone.

ARIEL: I see u. Ganda mo in that dress. 😉

Minasdan niya si Sara na tila naramdaman ang vibration ng cellphone sa kanyang dalang purse. Kinuha ito, binasa. At ngumiti. Hinanap siya ng mata nito sa lugar kung saan nakita siyang nakaupo. Nagtama ang kanilang mata. Binilatan siya ng dalaga.

ARIEL: Love u. Lam mo?

SARA: Thanx. :p

SARA: Luv u 2 babes. Kita ko papa mo. Andito pala.

ARIEL: Yep.

SARA: Later. So busy, ako natoka sa programs. 😉

ARIEL: Babes.

SARA: Babes?

ARIEL: Mamaya. I have a surprise.

SARA: Surprise? Nu yun?

ARIEL: Surprise nga eh. 😉

SARA: Hm. Excited! :p

ARIEL: Love u. 😉

SARA: 😛

***

Nanginginig ang binata ng matapat na sa kanilang department ang tatawagin sa entablado. Nakapila na siya at nung marinig ang kanyang pangalan..

LADRIDO, ARIEL C.

Nagpapalakpakan lalo na ang kasama niyang mga kamag anak sa hapong ito. Medyo napatayo sin si Sara ng umakyat ang binata sa stage. Ngunit pag-dating niya dito binulungan niya ang Dean at agad na pinuntahan ang Emcee at may sinabi din. Nagtaka si Sara at daang daang mga tao ng kunin ni Ariel ang microphone.

Sa tabi, senensayasan niya si Devine. Ang kakutsabang kaibigan sa hapong ito. Kagat na ang dilim, medyo malamig ang hangin. Ang buong ilaw ay namatay liban sa spot light sa stage.

“Sorry po to interrupt this ceremony but I think it’s only right and proper to do this here and now or never…”

“Gusto ko pong ipa-alam sa inyong lahat, na sa matagal ng panahon, nagmamahalan po kami ng isa sa teacher sa pamantasan ito. All these years, we have proven our love even if it is being condemn because of our status. But for me, she is the most adorable woman in my eyes who captivates my heart everytime I see her.”

Litong lito ang mga tao. Pero parang naiintriga sa ginagawa ngayon ni Ariel.

Sa upuan, nakaramdam ng labis na kaba si Sara. Madilim ang paligid at tila walang mga alam ang mga katabi niya sa nagaganap ngunit para siyang matutunaw. May mga bulungan kung sino, kanino at ano ang nangyayari mula sa mga kapwa niya college instructors. Ngunit tila wala silang alam. Takot si sara sa nagaganap. Hindi nila ito napag usapan ni Ariel.

“So, infront you. The president and the membes of the board, the deans of colleges, professors and teachers and to you my fellow graduates, and dear parents, I am standing here.. to profess my love to Ms. Sara Minerva Bergman Altarez…”

Nagtayuan ang lahat ng mga estyudiante. Lahat napadako ang tingin kung saan nakaupo si Ms. Altarez. Ang dilim ay biglang kuminang sa sabay sabay na pagbubukas ng kani-kanilang mga cellphones, upang kunan ng video ang nagaganap ngayon. Nagpatuloy si Ariel. Nakatingin na sa kinauupan ni Sara.

“Sara, you know I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride..”

“I love you not only for what you are, but for what I am when I am with you..”

Lumuhod ang binata sa harap kung saan naroon si Sara. Binuksan nito ang dalang maliit na kahon na may laman ng singsing. Tumili ang mga kababaihan sa nakita maging mga ang teachers sa boung campus.

“Will you marry me, Ms. Sara Minerva Altarez?”

Ito ang hudyat ni Devine upang itapat na ang isang spot light ki Sara. Mas lalong nasilayan ng karamihan ang dalaga sa madilim na sulok ng kanyang kinalalagayan.

At pinindot na rin ni Devine ang play mode sa kanta ni Elvis Costello. She.

~She may be the face I can’t forget~

~The trace of pleasure or regret~

~May be my treasure or the price I have to pay~

~She may be the song the summer sings~

~May be the chill the autumn brings~

~May be a hundred different things~

~Within the measure of a day~

Parang matunaw si Sara sa pagkaka upo. Litong-lito sa ginagawa ng binata sa stage. Labis labis ang kaba ng kanyang dibdib, lalo na’t nakatuon ang spot light sa kanya. At lahat ng mga mata sa daang daang tao na narito ngayon. Naririnig niya ang sigawan sa paligid.

“Mam Sa-ra..”

“Mam Sa-ra..”

“Mam Sa-ra.”

~She may be the beauty or the beast~

~May be the famine or the feast~

~May turn each day into a heaven or a hell~

~She may be the mirror of my dreams~

~The smile reflected in a stream~

~She may not be what she may seem inside her shell~

Tumayo si Sara. Sinusundan siya ng spot light. Maririnig ang palakpakan ng mga tao hanggang sa marahang magtungo ang dalaga papunta sa kina roroonan ni Ariel.

~She may be the love that cannot hope to last~

~May come to me from shadows of the past~

~But I’ll remember till the day I die.~

Nakaluhod pa rin si Ariel, nasa harap na si Sara sa ibabaw ng entablado. Malakas pa rin ang hiyawan at palakpakan. At may mga sumisigaw.

“Say yes!”

Filipina Porn Pinay Sex Pinayot.com

Pero inilapit ng dalaga ang kanyang bibig ki Ariel..

“Humanda ka sa akin. Hiyang hiya na ako ah. This is crazy.”

“Please say yes.”

Nakayuko lang sa kanya ang dalaga, alam ng mga tao na tila nag uusap sila ngunit hindi naririnig.

“Sigurado ka na ba dito?”

Tumango ang binata.

~She who always seems so happy in a crowd~

~Whose eyes can be so private and so proud~

~No one’s allowed to see them when they cry~

Huminga si Sara ng malalim. Tumayo ng maayos. Saka kinuha ang microphone ni Ariel. At sumagot..

“Yes.”

Muntik pang magiba ang buong campus sa lakas ng hiyawan. Maging ang Presidente at ang Dean, nagsipagtayuan at pumalakpak na rin sa kakaibang wedding proposal na ngayon lang yata naganap sa mahigit 400 years ng pamantasan.

Isinuot ni Ariel ang singsing. At kasunod nito, dinampian niya ng halik ang teacher sa kanyang labi, sa harap ng madla. Sa harap ng school board. Sa harap ng buong tao, wala na silang dapat itago. Wala na ang alinlangan. Napaiyak si Sara sa tagpong ito habang mahigpit na magkayakap sa harap ng maraming tao.

~She may be the reason I survive~

~The why and wherefore I’m alive~

~The one I’ll care for through the rough in many years~

~Me, I’ll take her laughter and her tears~

~And make them all my souvenirs~

~For where she goes I’ve got to be~

~The meaning of my life is she..”

Isang oras lang ang makalipas matapos nito, mahigit limang milyun agad ang hits sa video ng marriage proposal ni Ariel na kumalat na sa Facebook, Youtube at iba pang social media platforms.

***

Sa kahabaan ng Edsa. Ma traffic. Nakatigil ang sasakyan ni Leo Altarez, bagong talaga bilang Presidential Adviser on National and International Security Affairs ng Office of the President. Katumbas ng undersecretary ang posisyun niya ngayon. Ang kasunduan ay reporting directly si Leo sa Office of the President nang tanggapin niya ang alok na ito. Mismong ang pangulo ang pumunta sa kanilang bahay upang makiusap na sumama siya sa kanyang gabinete.

Naligtasan ni Leo ang kamatayan. Buti na lang naagapan ang maraming dugo na nawala sa kanya. Buti na lang, dumaplis lang sa spleen ang isang bala na inakala ng mga doctor na tinamaan. Ang isang bala ay bumutas sa intestine, ngunit nagawan ito ng paraan. Tanging ang peklat niya sa baba, ang makikitang lamat sa insidenteng iyon.

Tinapik siya ni Ding.

“Sir, I think you want to see this.”

Tiningnan niya muna si Ding, katabi ni Third. Mga dating aide na ngayon ay Staff ni Leo sa Malakanyang. Kinuha niya ang cellphone kung saan makikita ang viral video ng wedding proposal ni Ariel ki Sara sa loob ng University. Napailing ang dating heneral.

“Ugok talaga to. Nag-propose dito, marami namang lugar.”

Ibinalik niya ang cellphone sa kasama at nag utos ng padabog sa driver.

“Dumaan ka nga Badong sa Seven Eleven. Bumaba ka muna at bumili ng champagne.”

“Me okasyon ba Sir?” Si Ding. Siniko si Third.

“Ano pa nga ba, mukhang makikilala ko ngayong gabi ang bago kung manugang. Putang ina.” Nakatanaw siya sa bintana.

Lihim na natawa si Ding at Third sa likod.

***

Dahil coding, nag commute lang muli si Meanne buong maghapon. Nakaka-stress dahil third year na siya ngayon madami dami na ang requirements na kailangan niyang asikasuhin. Habang nasa FX, napapa ngiti si Meanne sa napapanood sa kanyang dalang notebook. Kalat na kalat na ang video ng kanyang Ate sa marriage proposal ni Ariel.

Tuwang tuwa siya sa kalokohan ni Ladrido.

Paglingon ni Meanne, tila malapit na siya sa lugar kung saan bababa kaya inayos niya ang sarili. Nasa likuran siya naka upo, dahil ito ang bakante kanina. Napansin niyang tila dalawa lang sila rito ngayon ng kaharap na lalake. Nasulyapan niyang nakatitig ito sa kanya.. at luminga din sa tabi sabay sabi.

“Boss, sa tabi lang po.”

Nagtaka si Meanne dahil dito rin siya bababa. Mukhang naunahan siya. Pagkababa ng lalake, sumunod na rin si Meanne. Nagkatabi sila sa daan habang nag hahanap siya ng tricycle. Matangkad ang lalake, siguro mga 6’ft, kaya hanggang balikat lang si Meanne. Pero nang masinagan ng husto ang mukha nito, nakita niyang maganda ang itsura.

Nang humarap ito kung saan mas maliwanag ang mga bumbilya ng isang tindahan, na tanto ni Meanne na guwapo nga ang lalake. Sa isip, pilit niyang inaalala kung sino ang kamukha nito na tila nakita niya na.

Nung pumarada ang tricycle, may sakay na ito sa likod. Agad pumasok si Meanne. Ngunit naalangan ang binata na sumakay dahil naunahan siya ni Meanne. Narinig nila ang driver.

“Papasok ka ba? Sakay na kasya yan.”

Nagkamot ang lalake. Napansin niyang umusog si Meanne sa pinakadulo upang bigyan siya ng space. Halata sa binata na nenerbyos ito lalo ng magkalapit sila ng malapitan ni Meanne. Sa pag pasok pa lang ng ulo, nasinghot na ng binata ang mabangong katawan ng dalaga. Ganundin si Meanne. Rumehistro agad ito sa kanyang utak. Parang napapikit nga siya. Magkadikit ang kanilang braso at binti sa higpit ng kanilang pagkakaupo sa maliit na sasakyan.

Pilit na inaalala ni Meanne kung sino ang kamukha ng lalaking katabi. Napakabango niya. Nakatulala lang ang lalake sa unahan, ngunit nararamdaman ni Meanne ang tension. Hinayaan niya ito. Umabut na si Meanne sa tapat ng kanilang bahay, naroon pa rin ang lalaki. Mauuna siya ang problema, kailangan ding umalis ng lalaki upang magkasya sila.

“Excuse me.” Sabi ni Meanne, ng huminto ang sasakyan.

“A-ay Sorry.” Bumababa ang lalaki. Tinanaw ang malaking bahay nina Meanne habang nag aabut ang dalaga ng kanyang pamasahe. Nang makasakay uli ang binata umarangkada muli ang tricycle papalayo habang hinahanap ni Meanne sa bag ang susi ng gate.

Narinig niyang huminto ang tricycle sa di kalayuan. Binubuksan niya na ang gate ng bumaba ang lalaking katabi niya kanina. At tumatakbo ito pabalik. Medyo nangamba si Meanne. Bukas na ang tarangkahan ng marinig niya ang tinig ng lalake. Humihingal.

“Hhaahhh, Miss. Hhaaahhh.. Misss Naiwan niyo to.”

Nakita ni Meanne ang hawak na gadget.

“Ay, naku. yung tablet. Thank you.” Kinuha ito ng dalaga.

Medyo natigil ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya. Parang sa tingin ni Meanne may gusto itong sabihin pero walang lumalabas sa bibig.

“Thank you.” Tumalikod ang lalake.

Nalito si Meanne. ‘Thank you?’ Napailing. Tsk, buhay nga naman, buntong hininga ng dalaga sabay sabi…

“Meanne..”

Napahinto ang binata sa paglakad, ikatlong hakbang. Humarap muli sa dalaga.

“So-Sorry?”

“Meanne ang pangalan ko.”

“Ah, hi.” Lumapit ito. “Ako si Jason.”

Inaabut sana ang kamay niya pero hindi umimik ang dalaga. Ngumiti.

“Hi Jason. Taga Saan ka?”

“2 blocks, from here.”

“Wala ng tricycle, maglalakad ka na niyan.”

“Ok lang.” Nakangiti ito. Nakikita na ng maayos ang mukha ng binata sa maliwanag na ilaw mula sa poste. Saka lang narealize ng dalaga kung sino ang kahawig ni Jason..

Orlando Bloom, Lord of the Rings

“Ok, nice to meet you, Jason.”

“Meanne. See you around..?”

“Sure.”

“That’s good.”

Nakatayo lang sila sa tapat ng gate nina Meanne.

“When?” si Jason.

“Ha?’

“Pwede magkita? When?

Napangiti ang utak ng dalaga.

“Ah, dito. Araw araw dadaan ka diba?”

Nagkamot ang binata.

“Ok.”

Muling natigilan si Meanne. Nagisip.

“Naglalaro ka ba ng badminton?” Ani Meanne.

Natitig ang binata. Umiling.

“H-hindi eh.”

“Ah Sorry, sige. Bukas kasi maglalaro ako diyan sa likod ng park.”

“Ay, sige. Mag-aaral ako mag badminton.”

“Sige.”

“Sige.”

“Ok.”

“Right.”

“Papasok na ako.”

“Ok.”

“Good night.”

“Nine O’clock, AM”

“Ha?” Nalito ang binata.

“9AM, di mo tinanong kung anong oras ako nandun.”

“Ay oo nga. Jee. Ok, 9am.”

“Pasok na ako.”

“Ok”

Napangiti si Meanne.

“Umalis ka na, para makapasok na ako.

“Ay. Sorry.. sorry. Sige see you tomorrow.”

Sabay talikod ang binata. Iiling iling ang ulo. Nakangiti. Tumatalon talon sa daan. At muli siyang sinulyapan. Kilig na kilig si Meanne.

Ang gabing ito ay umpisa ng kanilang matamis na magiging samahan sa mga susunod na araw, dahil sa wakas nagkrus na ang landas ng dalawa. Lingid ki Meanne, matagal ng pinapangarap ni Jason na makilala ng husto kanyang natatanging..

DREAM GIRL.

**

The End



Source link

Comments